.:. Ice Skating .:.
Yesterday, I fulfilled one of my unreached dreams that was far hidden at the back of my head.... to ice skate!!!!
grabe... first time pumasok sa skating ring at umapak sa ice, bumagsak agad ako... una puwet!!! Nakakahiya talaga, may mga babae pa naman akong kasabay... pero ok lang, sobrang saya naman eh..
marami akong beses na bumagsak sa ice, masakit pwet ko, nasugatan ang kamay ko at siko, sinipon ako at inubo... but it was all worth it. sobrang saya. tawa lang kami ng tawa. nandun yung kasiyahan, sa piling ng mga kaibigan... na kahit ilang beses ka nang bumabagsak ay nandyan pa rin para muli kang itayo... at itulak sa ice. hehehe... natagpuan ko ang kasiyahan sa mga pagbagsak ko sa ice... masakit, pero sa bawat pagtayo ko ay may kaakibat na pagnanasa para matuto at gumaling; pagnanasa na magpatuloy, magsaya, at mag-enjoy sa daloy ng pag-skate. sa huli natutunan ko ring magbalanse (nang kaunti). sa katunayan, ako ang pinakahuling umalis sa loob ng skating ring.
pinagmasdan ko ang mga magagaling na mag-skate. di sila masyadong tumatawa, parang di sila nag-eenjoy. pero ako, i cherish every moment na bumabagsak ako at nawawalan ng balanse... ito ang nagpapasaya sa pag-skate, kasama ng mga kantyaw at tawa ng mga kaibigan. parang buhay rin pala ng tao ang ice skating...